John Lloyd Cruz, tatanggalin na nga ba sa ‘Home Sweetie Home?

Malaking tanong ng marami kung tuluyan na nga bang tatanggalin ang karakter ni John Lloyd Cruz na si Romeo sa Saturday sitcom na Home Sweetie Home dahil sa episode nito noong Sabado, May 5, 2018.

Matatandaang hanggang ngayon ay wala pa ring ideya ang lahat ng tagahanga ng aktor kung kailan matatapos ang indefinite leave nito at kung magbabalik pa sa limelight ang award-winning at mahusay na aktor na isa sa mga pambatong leading actor ng ABS-CBN Kapamilya Network.

Sa ipinalabas na episode ng HSH, nakatanggap ng mga mensahe si Julie (Toni Gonzaga) mula sa asawang si Romeo na humihingi ng dispensa sa kanya dahil sa nagawa nitong pagkakamali. Sa takbo ng kuwento, magkasama sa ibang bansa sina Romeo at Tanya (Ellen Adarna) at sinasabing may namumuo na silang relasyon.

Nagbukas ng kanyang damdamin at plano si Julie kay JP (Piolo Pascual) na ipapawalang-bisa niya ang kasal nila ni Romeo sa pamamagitan ng annulment. Naibaling din ni Julie kay JP ang kanyang mga hinanakit kay Romeo.

Tight akap for our sweetie ? #HSHSikretoNiJulie

A post shared by Home Sweetie Home Official (@hsh.abscbn) on

Sa isang panayam noong Marso 2018, inamin ni Toni Gonzaga na binubuo na ang magiging twist o pagbabago sa buhay ni Julie na posibleng wala na sa kanyang buhay ang karakter ni Romeo.

Sa kabila ng pagkawala ng isa sa mga pangunahing tauhan ng sitcom, patuloy pa rin itong namamayagpag sa ratings kaya nagdagdag ng mga panibagong artista tulad nina Ruffa Mae Quinto at Ogie Alcasid na hindi na bagito sa pagpapatawa. Silang dalawa ay nagmula sa gag show na Bubble Gang sa GMA Kapuso Network.

Mag-kakaibigan na naging kapamilya ?

A post shared by Home Sweetie Home Official (@hsh.abscbn) on

Marami naman sa mga tagahanga at tagasubaybay ng HSH ang nagmungkahing kunwari ay maaaksidente ang karakter ni Romeo at sasakabilang-buhay ito at magkakaroon na ng pagkakataon upang magkalapit sina Julie at JP. Malakas ang chemistry ng loveteam nina Piolo at Toni na unang kinakiligan sa pelikulang Starting Over Again.

Panoorin ang naging trailer ng naturang episode via Instagram:

Loading…