Kadamay: “Tiwangwang na pabahay sa buong Pilipinas kukuhanin namin”

Public domain

Hinimok ng mga miyembro ng Kadamay ang National Housing Authority (NHA) na agarang ipamahagi sa kanila ang mga nakatiwangwang na pabahay sa bansa.

Kukuhanin namin ang lahat ng mga walang tirahan, kukuhanin namin ang mga tiwangwang sa buong Pilipinas,” ayon kay Pat Tupas; lider ng Kadamay sa Pandi.

Matatandaan noong 2017 ilang miyembro na ang nag-okupa sa mga pabahay sa tatlong Pandi subdivision; ayon sa ulat ng GMA.

Nitong Mayo 9, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang resolusyon na magbibigay ng kapangyarihan sa NHA na i-award ang mga pabahay sa ibang kwalipikadong beneficiaries.

Ikinatuwa naman ng Kadamay ang ginawang ito ng Pangulo.

Natutuwa kami du’n sa pagpirma kay Digong ng ‘yung resolution number 8. Ito po ‘yung batas na aming isinusulong na aming ipinaglalaban na kung saan batas ng mga maralita,” ani Tupaz.

Ayon sa 2016 Commission on Audit report, nadiskubre na 55,329 sa 62,472 pabahay ang nakalaan sa mga sundalo’t pulis ang nakatiwangwang.

Sa hiwalay na report ng NHA, may 54,999 sa 63,836 pabahay ang kompleto na ngunit hindi pa naookupahan as of July 2017.

Panoorin ang ulat na ito ng 24Oras para sa iba pang detalye:

Source :

24 Oras, GMA

Loading...