‘Kapamilya’ at ‘Kapuso’, wagi sa 16th Gawad Tanglaw

Inihayag na ang mga nagwagi sa 16th Gawad Tanglaw Awards nitong May 5, 2018 sa Gabi ng Parangal na ginanap sa Cinematheque Theater sa Maynila.

Humakot ng halos 30 parangal ang ABS-CBN Kapamilya Network at 13 naman ang GMA Kapuso Network sa iba’t ibang kategorya.

Nagwagi bilang Best Drama Anthology ang Maalala Mo Kaya, gayundin sina Angel Locsin at Yves Flores bilang Best Actress and Best Actor  in a Single Performance.

Ang teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano naman ang nanalo bilang Teleserye ng Dekada habang nasungkit naman ng  The Good Son ang Best Drama Series. Nakamit naman ng cast nito ang  Best Ensemble Acting.

Itinanghal naman ang fantaseryeng La Luna Sangre bilang Best Speculative Fiction Series.

Kinilala naman ang ilang mahuhusay na cast ng teleseryeng Wildflower dahil sa ipinamalas nilang superb acting. Best actress sina  Maja Salvador at Aiko Melendez habang sina Tirso Cruz III at RK Bagatsing naman ang Best Actors.

Ang musical-variety show na ASAP ang Best Variety Show at Pilipinas Got Talent naman ang  Best Reality Show. Best Comedy Show naman ang Pepito Manaloto ng Kapuso Network.

Sa news categories para sa radyo, wagi ang DZBB bilang Best AM Station. Ginawaran naman ang broadcast journalist na si Jimmy Gil bilang Natatanging Gawad Tanglaw sa Sining ng Radyo, gayundin ang IM Ready sa Dobol B bilang Best Radio Public Service Service Program.

Sa telebisyon, Best News Program ang State of the Nation with Jessica Soho. Si Ivan Mayrina ang Best TV Male Anchor para sa morning show na Unang Hirit. Si Pia Arcangel naman ang Best TV Female Anchor para sa Saksi at 24 Oras Weekend. Parehong nakuha nina Steve Dailisan at Tina Panganiban-Perez ang Best Field Reporters. Best Investigative Program ang Imbestigador at Scene of the Crime Operatives (SOCO), Best Documentary Special ang Reel Time,  Best Public Affairs Program ang Front Row, Best Documentary Program ang Reporter’s Notebook at Brigada,  at Best Magazine Show naman ang I Juander mula sa GMA News TV.

Best Documentary Special naman ang Di Ka Pasisiil na tumatalakay sa  Marawi Siege at Mga Boses sa Classroom hinggil sa mga estudyanteng patuloy na nag-aaral sa kabila ng kahirapan.

Kinilala rin ang ilang mga programa sa ABS-CBN News Channel’s o ANC.  Nakamit ng The Boss ang Best Business Program samantalanag ang Beyond Politics naman ang Best Public Affairs Program. Best Educational Program naman ang Green Living at G-Diaries. Trending with Kelly ang Best Lifestyle Program,  Hardball naman ang Best Sports Program,  Chinoy TV ang Best Magazine Show, at Inside the Cinema ng Cinema One ang Best Talk Show.

Nakatanggap naman ng Presidential Jury Awards for Culture, Arts and Sustainable Development Communication. sina Gina Lopez at Sen. Loren Legarda.

Si Angel Locsin ay nagkamit din ng  Gawad Parangal para sa Adbokasiya sa Kababaihan at Lipunan.

Itinanghal naman bilang Best TV Station ang ABS-CBN Kapamilya Network at GMA Kapuso Network.

Pagbati sa mga nagwagi!

Loading…