Karla sa rumored GF ni Daniel: Fresh and elegant beauty

Mga imahe mula sa Instagram account ni @karlaestrada1121

Puring-puri ni Magandang Buhay host Karla Estrada ang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo; onscreen partner at rumored girlfriend ng kanyang anak na si Daniel Padilla. Bukod kasi sa kagandahan ng pag-uugali ng young actress, hindi rin maitatanggi ang kagandahang pisikal nito.

Sa Instagram, pinuri ni Estrada ang simple pero may dating na ganda ni Bernardo.

“Fresh and elegant beauty,” aniya sa caption ng larawan ng Kathniel other half, na nilakipan pa niya ng mga hashtag na #welovegandangpinay at #welovekathniel.

Fresh and elegant beauty.🦋 #welovegandangpinay #welovekathniel

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

At dahil ina na mismo ni Padilla ang nagsalita, labis na kinilig at natuwa ang mga fan ng Kathniel.

“Momshie @karlaestrada1121, I love you,” sabi ni @yourno.1teddy.

“Ang sweet naman ni Tita K,” ani @jessxa.

“Iba ka talaga, Queen Mother @karlaestrada1121! Napakaganda ng samahan n’yo ng mamanugangin mo,” kumento ni @jarelieargosi.

“Kasalan na ‘yan, Momshie Karls!” panunukso naman ni @akiraandaya.

Source :

Instagram

Loading...