Kartolina no more!  Lola Yolanda may tarpaulin na sa kanyang pangangampanya

Masaya ang isang lola sa pagkakaroon  niya ng sariling tarpaulin na kanyang gagamitin sa kanyang pangangampanya bilang barangay kagawad  sa kanilang lugar sa  Patag, Cagayan De Oro City.

Kamakailan lamang ay nag-viral ang larawan ni Yolanda Labares Lariosa sa paggamit lamang nito ng mga kartolina kung saan nakasulat lamang ng pentel pen ang kanyang pangalan dahil wala siyang sapat na pondo sa pangangampanya.

Posted by Walwal on Wednesday, May 9, 2018

Ayan ang kanyang campaign posters.

Posted by Walwal on Wednesday, May 9, 2018

Sa larawang ibinahagi ng Walwal Facebook account, hindi maitago ang kasiyahan ni lola Yolanda nang mahawakan ang kanyang tarpaulin. Sino kaya ang mabuting tumulong upang magkaroon siya nga mga ito?

Posted by Walwal on Wednesday, May 9, 2018

Hindi naman tinukoy kung may nag-sponsor sa mga tarpaulin na ito ni lola Yolanda.

Komento ng isang netizen, si lola Yolanda ay tumutulong sa mga senior citizens sa kanilang barangay. Nagtapos din umano si lola bilang valedictorian.

Umantig sa maraming netizens ang masayang ngiti na ito ni lola Yolanda.

Goodluck po sa darating na halalanan, lola Yolanda!

Loading…