Kim Jong-un, itinulak ang photographer na nakaharang sa daraanan ng asawa

Nakunan ng camera ang ginawang pagtulak ni North Korean leader Kim Jong-un sa isang photographer sa South Korea noong nakarang linggo.

Sa video clip na ibinahagi ng Mirror, makikita ang lider ng North Korea na bahagyang itinulak ang photographer na nakaharang sa daraanan ng North Korean first lady na si Ri Sol Ju habang papalapit ito sa naghihintay na South Korean President Moon Jae-in.

Sa nasabing footage, si Kim Jong-un ay nakatayo sa tabi ni Moon Jae-in habang hinihintay ang pagdating ng kani-kanilang first lady nang biglang humarang sa daraanan ni Ri Sol ju ang photographer kaya bahagya itong tinabig ng North Korean leader.

Ang pagbisita ni Kim Jong-un sa South Korea ay makasaysayan dahil siya ang kauna-unahang North Korean leader na tumawid sa teritoryo ng South Korea mula nang matapos ang Korean War noong 1953.

Si Kim Jong-un din ang kauna-unahang lider ng North Korea na nagsama ng kanyang first lady sa pakikipagpulong sa ibang lider ng bansa.

Loading…