‘Kung masipag ka lang, ‘di ka magugutom sa Pilipinas’ — Sec. Diokno

“Walang taong magugutom sa Pilipinas kung ika’y magsisipag lamang”; ito ay ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno.

Sa tingin ko kung masipag ka lang, ‘di ka magugutom sa Pilipinas eh,” ani Diokno nang tanungin kaugnay sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumalik na lamang ng bansa ang mga overseas Filipino workers (OFWS) sa Kuwait.

 Ayon sa ulat ng GMA, sinabi ni Diokno na maraming trabaho sa Pilipinas tulad na lamang ng mga guro at manggagawang  kailangan ng gobyerno sa  “Build, Build, Build” program.

Nauna nang inihayag ni Duterte na wala siyang intensyon na palalain ang diplomatic rift sa state of Filipino workers sa Kuwait ngunit ang hindi lamang niya matanggap ay ang mga nangyayari sa mga Pinoy doon.

Sa tala ng Foreign Affairs Department, mahigit 200,000 Pinoy ang nagtatrabaho sa Kuwait.

Panoorin ang ulat na ito ng Unang Balita para sa iba pang detalye:

 

Loading…