Kylie: Sobrang nakakakilig lang na tatlo na kami ngayon

Mga imahe mula sa Instagram account ni @kylienicolepadilla

Halatang masayang-masaya ang aktres na si Kylie Padilla sa buhay may-asawa.

Sa Instagram, ibinahagi niya na talagang natutuwa siya na tatlo na sila ngayon na magkasamang humaharap sa bawat araw, kaya naman labis niyang ipinagpapasalamat ang pagdating ng anak na si Alas sa buhay nila ng fiance na si Aljur Abrenica.

“Sobrang nakakakilig lang na tatlo na tayo,” aniya.

“At lahat parin ng trip namin ng daddy mo nagagawa pa rin natin. Salamat, anak, kasi mas masaya ang bawat araw dahil sa ‘yo,” dagdag pa ng aktres.

As of posting, nakakuha na ng mahigit 138,000 favorites ang post ni Kylie.

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ng mag-anak ang ika-siyam na buwan ni Alas sa daigdig.

Tiyak na mas marami pa silang magiging bonding at maiipong alaala sa habang lumalaki ito.

Source :

Instagram

Loading...