Lalaking nag-viral dahil sa pag-aaruga sa lola, nag-audition sa PBB

Mga larawan mula sa Facebook account ni Mark Louise Carabbacan

Kamakailan lamang ay nag-viral ang isang nakaaantig na mga larawan at video ng isang lalaking nagpapaligo, naggugupit ng kuko sa paa, at nag-aaruga sa kanyang lola at buong tamis na bumati rito ng “Happy Mothers’ Day” sa social media.

Ang naturang lalaki ay kinilalang si Mark Louise Pabianes Carabbacan; isang mapagmahal na apo na walang sawang sinusuklian ang pagmamahal na ibinigay sa kanya ng kanyang lola noong siya ay isa pa lamang paslit. Lahat ng pag-aaruga nito sa kanya noon ay ginagawa niya ngayon sa kanyang lola bilang pagtanaw ng utang na loob at pagpapadama ng pagmamahal.

Larawan mula sa Definitely Filipino Buzz
Larawan mula sa Definitely Filipino Buzz

Sa panibagong update sa buhay ni Mark sa kanyang social media account, sinubukan niyang makipagsapalaran sa Kamaynilaan upang abutin ang kanyang mga pangarap sa pagbabaka-sakaling matanggap bilang auditionee ng reality-show na Pinoy Big Brother sa isinagawang Star Hunt ng ABS-CBN Network sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Ang Star Hunt ay malawakang audition para sa upcoming reality shows ng Kapamilya Network.

Ayon sa binata na nagmula pa sa lalawigan ng Isabela, wala siyang bitbit na anumang espesyal na talento subalit ang tanging sandata niya ay inspirasyon at pagmamahal sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang lola.

Wala akong dala-dalang espesyal na talento pero ang tanging dala kong sandata ay yung inspirasyon at pagmamahal ko sa pamilya ko at syempre sa Lola ko.

Mga larawan mula sa Facebook ccount ni Mark Carabaccan
Mga larawan mula sa Facebook  account ni Mark Carabbacan

Pages ( 1 of 2 ):
1
2Next Page »

Loading...