Lalaking PWD na nakitang gumagapang sa kalsada, tumanggap ng wheel chair at pampaaral

Image capture from Anthony Enriquez Facebook account

Tinupad ni Mayor Mastura ng Sultan Kudarat Maguindanao ang kanyang pangako na dadalhan nito ng wheel chair ang isang PWD (person with disability).

Nitong Mayo 14, pagkatapos bumoto ni  Mastura ay nakakita ito ng isang lalaking PWD na gumagapang sa kalsada na nakatawag ng atensyon sa mayor.

Binigyan ni Mastura ng pera ang lalaking may kapansanan at nangakong bibigyan ito ng wheel chair.

At tinupad nga ni Mayor!

Nitong Mayo 16 naman nang balikan ni Mastura ang lalaki ngunit napag-alaman na tatlo pala silang magkakapatid na may kapansanan kaya naman tatlong wheel chair ang ibinigay ng mayor sa kanila.

Sa Facebook post ni Anthony Enriquez, ibinahagi nito ang personal na pag-abot ng tulong ng mayor sa magkakapatid.

Maliban pa dito ay tumanggap din ang magkakapatid ng mga groceries at isang sakong bigas.

Nangako rin si Mastura na sasagutin nito ang pag-aaral ng dalawang magkapatid.

Labis naman ang pasasalamat ng pamilya ng PWD.

Source :

Facebook

Loading...