Long-range bombers ng China lumapag sa disputed island sa South China Sea

Imahe kuha sa video ng People's Daily China

Sa kauna-unahang pagkakataon ay lumapag at  lumipad sa paliparan sa isang islang pinag-aagawan sa South China Sea ang ilang long-range bombers ng Air Force ng China.

Ayon sa ulat ng Al Jazeera, maaring magdulot sa rehiyon ng mas lalo pang alalahanin ang ginawa ng China na pagpapalipad ng mga eroplanong pambomba sa isla.

Sa video na ibinahagi ng People’s Daily China ay ipinakita ang paglapag at pag- take off ng mga military planes, kabilang na ang long-range, nuclear strike capable H-6K. Pinaniniwalaang sa Woody Island ginawa ang paglipad ng mga bombers.

Ang Woodly Island ang pinakamalaking base ng China sa Paracel Islands na inaangkin din ng Vietnam at Taiwan.

Ayon naman sa ulat ng GMA News, nakita rin na lumipad ang H-6K bomber sa ibabaw ng Panatag Shoal na sakop ng Pilipinas.

Binatikos naman ng Estados Unidos ang ginagawang militarisasyon ng China sa rehiyon at nangako na sisiguraduhin nito na ang Indo-Pacific Region ay mananatiling bukas at malaya.

 

Loading...