Mag-asawa sa US nagsampa ng kaso sa korte para mapalayas sa bahay ang anak

Image capture of video by Inside Edition

Marami sa mga magulang ang nakararanas ng “empty nest syndrome’ o ang pamimighati at kalungkutang nadarama  kapag ang mga anak na nasa tamang edad na ay umalis na ng kanilang bahay upang mamuhay nang sarili, subalit may mga magulang na hindi ganoon.

Sa ulat ng Fox News, isang mag-asawa sa New York ang nagsampa sa korte ng demanda upang mapalayas sa kanilang bahay ang anak na 30 taong gulang na si Michael Rotondo, na nag-eskandalo pa umano matapos katigan ng korte ang reklamo laban sa kanya noong Martes, ika-22 ng Mayo.

Nagsimula ang pagpapalayas kay Michael noong buwan ng Pebrero nang mag-iwan ng maikling sulat ang kanyang mga magulang na sina Mark at Christina Rotondo na nagsasabing kailangan na ni Michael na umalis ng bahay sa loob ng dalawang linggo.

“Michael, after a decision with your Mother, we have decided you must leave this house immediately. You have 14 days to vacate. You will not be allowed to return. We will take whatever actions are necessary to enforce this decision,”saad ng sulat.

eviction notices
eviction notices

Binalewala lang ni Michael ang unang sulat.

Matapos ang ikalimang “eviction notice” na patuloy na binabalewala ng kanilang anak kahit nag-offer sila na bibigyan siya ng $1,100 pabaon, minabuti ng mag-asawa na magsampa na ng kaso sa korte noong ika-7 ng Mayo.

Matapos katigan ng korte ang kanyang mga magulang, sinabi ni Michael na plano niyang i-apela ang desisyon. Aalis naman daw siya ng bahay pero sana raw ay anim na buwan ang ibigay na palugit sa kanya.

Ayon sa abogado ng mag-asawang Rotondo, walang ibinigay na eksaktong petsa ang korte kung kailan dapat lumayas ng bahay si Michael, subalit resonableng panahon daw ang ibibigay sa kanya upang tuluyan na siyang umalis.

Source :

Fox News, BBC, CNBC

Loading...