Magpipinsang Loyzaga, nag-recreate ng 15-year-old photo

Mga imahe mula sa Instagram account ni Diego Loyzaga

May mga pag-ibig daw na hindi nawawala gaano karaming taon man ang lumipas — katulad na lamang ang pagmamahal na nakukuha natin mula sa ating mga kaanak.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktor na si Diego Loyzaga ang larawan nilang magpipinsan kung saan ni-recreate nila ang isang litrato na kuha 15 years ago.

“15 years later…” ang tanging saad sa caption pero ‘ika nga, “A picture paints a thousand words.” Kitang-kita na isa’t kalahating dekada na ang dumaan ngunit close na close pa rin silang mga magpipinsan sa side ng Loyzaga.

Ang mga kasama ni Diego sa larawan ay sina Joseph Loyzaga Dizon, Gabriella Loyzaga Gibbs, at Alyssa Loyzaga Gibbs.

Swipe left para makita ang recreated photo:

15 years later…

A post shared by Diego Loyzaga (@diegoloyzaga) on

Nakatutuwang pagmasdan, ‘di ba?

Source :

Instagram

Loading...