Malacañang itinanggi na may diskriminasyon sa mga babaeng nais maitalaga sa gobyerno

Image from DF Balita Files

Machismo?

Itinanggi ng Malacañang na may diskriminasyon laban sa mga kababaihan na nais maitalaga sa pamahalaan makaraang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya pipili ng babae para sa isang crucial na posisyon.

Hindi naman po siguro discrimination ‘yan, but as I said tatanungin ko ang intention ni Presidente,” ayon kay Roque.

Wala namang diskriminasyon sa kababaihan. Kahit sino puwedeng ma-appoint sa ating gobyerno.”

Kamakailan ay pinuna si Duterte sa kanyang naging tugon sa preperensya nito sa susunod na Ombudsman at Chief Justice; ayon sa ulat ng ABS CBN.

I will have to consult everybody. I will have to even consult the Ombudsman people, not Morales, and marami, para sigurado…’yung gusto ng tao,” ani Duterte

Tinanong din si Duterte sa posibleng kapalit ng napatalsik na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ani Duterte:  “Mag-nominate sila pero I choose, gusto ko ‘yung bilib ang tao sa integrity niya. Of course, it could not be a politician, lalo na hindi babae.”

Matatandaang itinalaga ni Duterte sa kanyang gabinete ang ilang kababaihan tulad nina dating social welfare secretary Judy Taguiwalo, dating environment secretary Gina Lopez, dating tourism secretary Wanda Teo, at dating housing secretary Vice President Leni Robredo.

Kasalaukuyan namang nasa gabinete ng Pangulo sina acting social secretary Virginia Orogo at tourism secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Source :

ABS CBN, PhilStar, CNN

Loading...