Malaki at masayang pamilya nina Oyo at Kristine, kinagiliwan ng IG users

Imahe mula sa Instagram account ni Oyo Sotto

Kinagiliwan ng maraming Instagram users ang larawan ng malaki at masayang pamilya ng mga artistang sina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto.

Sa Instagram, ibinahagi ni Oyo ang larawan ng pamilya niya bilang pambati ng “good morning” sa kanyang followers.

Marami ang natuwa dahil kitang-kita kung gaano sila kasasaya habang magkakasama sa isang kama.

“Happy family. Nakakatuwa,” sabi ni @leslybebehloved.

“Such a beautiful family,” ani @yumi619.

“Pinakasarap na feeling sa umaga ay ang magising ka na nasa tabi mo ang pamilya,” kumento ni @anamariegonzalesig.

Samantala, sinabi naman ni @rizaverdadero kung gaano kapalad ang mag-asawa na biniyayaan sila ng maraming supling.

“Sa umpisa lang mahirap pag madami ka anak pero ‘pag malalaki na mga ‘yan, sobra saya at madami sila magdadamayan,” aniya.

Untitled (Recovered)

Source :

Instagram

Loading...