“Malinis ako”: Ice Seguerra, inilahad ang saloobin sa kontrobersya ng NYC

  • Itinanggi ni Aiza “Ice” Seguerra na may anomalya sa National Youth Commission
  • Nasagot umano nila ang lahat ng tanong ng COA
  • Hindi umano siya apektado sa issue dahil hindi naman ito totoo

Nagsalita si Aiza “Ice” Seguerra tungkol sa kontrobersyang hinarap ng National Youth Commission (NYC) kung saan siya ang nadawit.

Itinanggi ni Seguerra na may anomalya ang ahensya at normal lamang umano na magtanong ang Commission on Audit (COA).

Ipinaliwanag ng dating chairman ng NYC na nasagot nila ang lahat ng tanong ng COA at naisumite na ang mga dokumento.

Ani pa ni Seguerra sa Push, “Alam kong malinis ako and alam ko din the whole time in that agency, I did my best and I made sure na maayos lahat pati paper works. Pati ang Commission on Audit (CoA) na may mga tanong, which I think is normal in other agencies, pero ang importante, nasagot ko.”

“Doon lang ako natatawa na they write and nilabas nila ang observation ng CoA, pero hindi nila nilabas ‘yung justification namin so bakit ganun,” dagdag ni Seguerra.

Hindi rin umano siya nagsisisi na nanilbihan siya sa NYC. Sabi niya, “Ay hindi, hindi kasi ako ‘yung tipo ng tao na, it’s not even true, why will I let that affect me, so lumabas naman ‘yung katototohanan.”

Pinasagot ng COA ang NYC ukol sa higit P268,000 worth of snacks sa mga hindi umano opisyal na meetings.

Loading…