May mabuting puso! Pretty ‘Popcorn girl’ umantig sa maraming netizens

Umantig sa maraming netizen ang tinaguriang ‘popcorn girl’ dahil sa kanyang pagtulong sa kapwa.

Ayon sa ulat ng GMA, ang popcorn girl ay kinilalang si Lourilyn Alvaran, 14,  na naging viral makaraang mamataang nagtitinda ng popcorn sa  Mabalacat, Pampanga.

Ngunit hindi pala tunay na tindera si Alvaran dahil tumutulong lamang ito sa isang bata  na magbenta.

Kasi po nakita ko ‘yung batang walang benta tapos naawa po ako, tinulungan ko po,” ani Alvaran.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na tumulong si Alvaran. Aniya, nakare-relate din siya sa hirap tulad ng kanyang ina na isang Overseas Filipino Worker (OFW).

Kasi parang nahihirapan po sila kunin ‘yung atensyon ng mamimili. Siyempre po sa akin naaawa ako so tinutulungan ko po lagi sila,” ani Alvaran.

Iginiit ni Alvaran na intensiyon lamang nito na tumulong sa kapwa.

Hindi ko po ine-expect na magvi-viral ‘yun kasi ang intention ko po talaga is tumulong lang. ‘Yun lang po,” ani Alvaran.

Samantala kinilala naman ng lokal na pamahalaan ng Mabalacat Pampanga ang kabutihang ito Lourilyn Alvaran.

Maganda na kay buti pa ng puso! God bless you, Lourilyn Alvaran!

Loading…