Maymay Entrata, sasali nga ba sa Asia’s Next Top Model?

Umugong ang balita at haka-haka na sasali ang Pinoy Big Brother Lucky 7 grand winner na si Marydale “Maymay” Entrata sa Asia’s Next Top Model (ANTM) Cycle 6.

Ang mga haka-haka, ayon sa ulat ng Inquirer, ay nagsimula dahil sa post ng Asia’s Next Top Model Cycle 6 sa official Facebook page na may caption na “Wishlist.”

Sinabi sa naturang post na puwedeng-puwede si Maymay bilang contender sa ANTM Cycle 6. Ibinahagi pa sa post ang ilang larawan ni Maymay na kuha sa Inside Showbiz at MEGA Magazine.

Marami sa mga tagahanga ni Maymay ang sumang-ayon sa post ng ANTM Cycle 6 at nagsabing bagay ngang modelo ang kanilang iniidolo. Anila, sana nga ay mapabilang si Maymay bilang isa sa mga kalahok sa nasabing reality TV show.

Lalo pang uminit ang balitang sasali na nga si Maymay sa ANTM matapos magpost ang isang netizen ng listahan ng “unofficial contestants” ng ANTM Cycle 6” kung saan kasama ang pangalan ng dalaga.

Pinabulaanan naman ito mismo ni Maymay sa pamamagitan ng tweet.

“Hindi po totoo yung ANTM. Pasensya na po. Pero maraming salamat po sa mga nag-appreciate,” tweet ni Maymay.

Loading…