Mga cute na throwback pictures ni Ryzza Mae Dizon

Imahe mula sa Instagram account ni Ryzza Mae Dizon

Napakabilis ng daloy ng panahon. Parang kailan lang noong nanalo bilang Miss Little Philippines sa Eat Bulaga si Ryzza Mae Dizon; ngayon ay malapit na pala siyang maging teenager.

Sa ika-12 ng Hunyo ngayong taon ay trese anyos na ang dating tinaguriang “Aling Maliit.”

Taong 2012 nang sumali si Ryzza sa nasabing contest sa pangtanghaling programa sa telebisyon ng GMA Network. Noong una ay eliminated siya, pero muling pinabalik para sa wild card round at sa bandang huli ay siya ang itinanghal na Little Miss Philippines 2012.

Doon na nagsimula ang career ni Ryzza sa showbiz industry. Sumikat si Ryzza sa bansag na “Aling Maliit” dahil sa pagiging precocious niya.  Ngayon naman ay ginagampanan niya ang papel na istrikto at mainitin ang ulong si “Boss Madam” sa “Barangay Jokers” segment ng longest-running noontime variety show.

Alam n’yo ba na naging bahagi ng Eat Bulaga si Baeby Baste, ang pinakabatang co-host sa noontime show, dahil kay Ryzza Mae?

Kabilang noon si Baeby Baste sa live audience ng “The Ryzza Mae Show” nang mamataan siya ni Ryzza. Nakipag-selfie pa ang “Aling Maliit” kay Baste noon.

Balikan natin ang kakyutan ni Ryzza Mae sa mga luma niyang litrato:

Ryzza Mae

Bibong bata na talaga siya noon pa man!

Ryzza Mae1

Pag-arte at tatas sa pananalita…mga talentong napakinabangan niya sa buhay.

Ryzza Mae3

Palangiti na noon pa man.

Ryzza Mae4

 

 

Loading...