Mga hurado ng Tawag ng Tanghalan, naging emosyonal sa resbakan nina Ato Arman at Douglas Dagal

Image capture mula sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime via YouTube channel

Trending at talaga namang pinag-usapan ng mga televiewers at netizen ang episode ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime noong Martes, May 22, 2018 kung saan natibag ng resbaker na si Ato Arman ang pader sa seat of power na si Douglas Dagal na siya ring pumili sa kanya.

Image capture mula sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime via YouTube channel
Image capture mula sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime via YouTube channel

Isinasagawa ng TNT ang  “Ultimate Resbak” kung saan pinabalik ang 16 na “resbakers” mula sa iba’t ibang quarter ng Season 2 upang muling makipagtagisan upang mapatalsik sa puwesto sina JM Bales at Douglas Dagal na nakaluklok sa “seat of power.”

Si JM ang nakakuha ng pinakamataas na boto mula sa text votes habang si Douglas naman ang pinili ng mga hurado batay sa kanilang ibinigay na grado.

Kailangang pumili ng tig-isang kinatawan mula sa mga resbakers ang dalawang nasa seat of power na kanilang paglalabanin. Kung sino ang mananalo rito, pipili naman sa kanilang dalawa kung sino ang nais na pabagsakin mula sa kanilang kinauupuan. Pinili ni JM  sa mga mahuhusay na resbakers si Aila Santos habang si Ato Arman naman ang pinili ni Douglas.

Nagsabong na nga sa resbakan sina Ato at Aila at talaga namang naramdaman ang tensyon sa mga hurado, madlang pipol, at maging mga host dahil parehong magaling at palaban ang dalawa. Sa huli, ang pinili ng mga hurado ay si Ato Arman. Number one trending naman sa Twitter si Aila Santos dahil sa kanyang nagbabagang pag-awit ng “Through the Fire.”

Narito ang kanilang resbakan via YouTube channel:

Matapos nito, pinili naman ni Ato na makalaban si Douglas, at katulad ng naunang resbakan, halos naging emosyonal ang mga huradong sina Jaya at Kyla dahil parehong magaling ang naging performances ng dalawa.

Ayon pa kay Jaya, “Ang hirap talaga nito para sa amin, kasi pareho silang magaling, and we have to decide on one.”

Image capture mula sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime via YouTube channel
Image capture mula sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime via YouTube channel

Matapos ang pinagsamang boto ng taumbayan at grado ng mga hurado, napatalsik ni Ato si Douglas. Marami namang netizens at tagahanga ni Douglas ang nagpaabot pa rin ng suporta sa kanya sa kabila ng mga nangyari.

Panoorin ang naging resbakan sa pagitan nina Ato at Douglas via YouTube channel:

 

 

 

Loading...