Mga nagwagi sa 49th Guillermo Mendoza Box Office Awards

Inihayag na ang mga nagwagi sa 49th Guillermo Mendoza Box-Office Entertainment Awards nitong May 1, 2018, na ipinagkaloob ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Narito ang listahan ng mga nagwagi sa larangan ng pelikula:

Nakamit nina Vice Ganda, Pia Wurtzbach at Daniel Padilla ang titulong Phenomenal Stars of Philippine Cinema para sa pelikulang Gandarappido: the Revengers’ Squad.

Itinanghal naman bilang Box Office King at Queen sina Enrique Gil at Liza Soberano para sa pelikulang My Ex and Whys.

Film Actor of the Year sina Dingdong Dantes at Aga Muhlach para sa pelikulang Seven Sundays. Si Iza Calzado naman ang Film Actress of the Year para sa peikulang Bliss.

Iginawad naman ang titulong Prince and Princess of Philippine Movies & TV sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Movie Supporting Actor and Actress of the Year naman sina Matteo Guidicelli at Christine Reyes habang si Empoy Marquez ay Breakthrough Movie Actor of the Year. Nasungkit din niya ang gantimpalang Breakthrough Movie Love team kasama si Alessandra de Rossi para sa pelikulang Kita Kita.

All-Time Favorite Actor at Actress naman sina Robin Padilla at Sharon Cuneta para sa pelikulang Unexpectedly Yours.

Para sa pelikulang Kita Kita, Most Popular Film Producer sina Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal, at  Erickson Raymundo at Most Popular Screenwriter naman si Sigrid Andrea Bernardo.

Nakamit naman ng first-time director Coco Martin ang Most Popular Film Director para sa makabago at requel (remake at sequel) ng Ang Panday na lumahok sa Metro Manila Fil Festival noong Disyembre 2017.

Para naman sa telebisyon, narito ang mga nagsipagwagi:

TV Actor of the Year si Gabby Concepcion para sa Ika-6 Na Utos habang TV Actress of the Year naman si Maja Salvador para sa Wildflower.

Si Tirso Cruz III naman ang hinirang na TV Supporting Actor of the Year (Wildflower) samantalang ang Kapuso-turned-Kapamilya na si Ryza Cenon ang TV Supporting Actress of the Year para sa (Ika-6 Na Utos).

Most Popular Love team of Movies and TV sina Joshua Garcia at Julia Barretto na mas kilala bilang JoshLia habang Most Promising Love team of Movies and TV sina Macoy de Leon at Elisse Joson o MacLise.

Most Promising Male and Female Star of the Year sina Ruru Madrid at Joana Ampil.

Best Male TV Host si Robi Domingo habang Best Female TV Host naman si Marian Rivera. Si Vic Sotto ang Comedy Actor of the Year at si  Angelica Panganiban naman ang Comedy Actress of the Year.

Para naman sa mga tv shows and programs, Top Rating News & Public Affairs nitong 2017 ang Kapuso Mo, Jessica Soho ng batikang GMA news anchor na si Jessica Soho.

Most Popular TV Program Primetime  ang Ang Probinsyano ni Coco Martin  at Most Popular TV Program Daytime naman ang Wildflower ni Maja Salvador.

Most Popular TV Program/Talent Search ang I Can See Your Voice hosted by Luis Manzano at Most Popular TV Program Musical Variety naman ang ASAP.

Best Ensemble Performance in a Drama Series naman ang nakuha ng cast ng  teleseryeng The Good Son.

Para naman sa larangan ng radyo at musika, narito ang listahan ng mga nanalo:

Male Concert Performer of the Year sina Martin Nievera, Ogie Alcasid at Erik Santos at Female Concert Performer of the Year naman si Regine Velasquez para sa kanilang “MORE” Concert.

Si Pambansang Bae Alden Richards naman ang Male Recording Artist of the Year para sa kanyang Wish I May Diamond Record. Female Recording Artist of the Year naman si KZ Tandingan para sa Soul Supremacy.

Promising Male Recording Artist of the Year naman ang nasungkit ni Inigo Pascual para sa awiting Dahil Sa ‘Yo at Promising Female Recording Artist of the Year si Moira dela Torre na nagpasikat sa mga kantang Malaya at Titibo-tibo.

Promising Male Concert Performer of the Year si Darren Espanto at Promising Female Concert Performer sina Jona, Morissette Amon at Klarisse de Guzman.

Most Promising Recording/Performing Group naman ang BoybandPH.  Most Popular Male Child Performer si “Baby” Baste Granfon ng Eat Bulaga samantalang Most Popular Female Child Performer naman si Nayomi Ramos.

Narito naman ang ilang special awards:

Bert Marcelo Award: Janno Gibbs

Public Service Award: Cong. Lito Atienza

Government Service Award: Hon. Imee Marcos (Ilocos Norte Governor)

Businessman of the Year Award: Raymond Francisco

Longest Running Daytime Drama Anthology: Mahal Kong Maynila

Pagbati sa lahat ng mga nagwagi!

Loading…