Mga paaralang kinatawan ng Pilipinas sa High Schoolers Asian Hip Hop Dance Competition, nakasungkit ng puwesto sa kampeyonato

Mga larawan mula sa Facebook page ng High Schoolers Asian Hip Hop Championship

Nag-uwi ng karangalan sa kani-kanilang paaralan at maging sa buong Pilipinas ang mga mag-aaral sa high school ng STI Ortigas Cainta at School of Saint Anthony sa Quezon City matapos nilang masungkit ang ikalawa at ikatlong puwesto sa kampeyonato ng High Schoolers Asian Hip Hop Dance Competition noong May 19, 2018 na ginanap sa Hong Kong.

Itinanghal na 1st Runner Up ang Bagong Sibol Dance Troupe-Senior High School ng STI Ortigas Cainta habang 2nd Runner Up naman ang DanSSA ng School of Saint Anthony.

Bago ang kampeyonato, nagkaroon muna ng qualifying round ang naturang kompetisyon noong November 25, 2017. Ang mga naturang official dance group ng nabanggit na dalawang paaralan ang pinalad na nanaig at kumatawan sa Pilipinas para sa tagisan ng talento sa pagsayaw sa Hong Kong.

Bago ang nasabing kampeyonato sa Hong Kong, lumahok pa muna sa iba pang tagisan sa pagsayaw ang BSDT tulad ng  Hataw Galaw III noong Pebrero 2, 2018 na ginanap sa La Salle, Antipolo kung saan sila ang kampeyon, at SPUNK6 dance competition noong Pebrero 8, 2018 sa Siena College Taytay kung saan sila ang ikatlong puwesto.  Naging sanligan nila ito upang makapaghanda sa kanilang laban sa Hong Kong.

Larawan mula sa website ng STI Ortigas Cainta
Larawan mula sa website ng STI Ortigas Cainta

Namamagyapag naman ang DanSSA ng School of Saint Anthony sa iba’t ibang dance competition noon pa man tulad ng Battlegrounds kung saan sila ang kampeyon, Myx Moves 2017, Crissa Dance Synergy, Sketchers Dance Competition, at marami pang iba.

Larawan mula sa Facebook page ng DANSSA
Larawan mula sa Facebook page ng DANSSA

Masayang-masaya ang Team Pilipinas sa panibagong karangalang ito. Tiyak na ipinagmamalaki sila ng kani-kanilang mga paaralang pinanggalingan.

Larawan mula sa Facebook page ng High Schoolers Asian Hip Hop Championship
Larawan mula sa Facebook page ng High Schoolers Asian Hip Hop Championships

Samantala, narito ang astig na performance ng DanSSA na itinanghal na 2nd Runner Up:

Narito naman ang makapigil-hiningang performance ng BSDT na nagkamit ng 1st Runner Up:

Pagbati, Team Pilipinas!

Loading...