Mich Liggayu, itinangging nagkarelasyon ng iba nang mawala si Jam Sebastian

  • Hindi umano nakahanap ng bagong pag-ibig matapos mawala si Jam Sebastian
  • Araw-araw pa rin niyang naiisip si Jam
  • Ang mga lumabas na photos nila ng kanyang “Boss” ay para pala sa isang short film

Inamin ni Mich Liggayu na araw-araw pa rin niyang inaalala ang dating kasintahang si Jam Sebastian. Tatlong taon na ang lumipas matapos sumakabilang-buhay si Jam at hindi umano nakahanap ng panibagong pag-ibig si Mich.

Ang dahilan kung bakit hindi siya nakipagrelasyon ay, “Career muna,” ani ni Mich sa Pep.

Araw-araw pa rin umano niyang naiisip ang dating kasintahan.

Aniya, “Nagre-reminisce pa rin ako. Binibisita ko ang Facebook niya.”

Sa kanyang Instagram account ay makikita ulit ang photos nila ni Jam. Sabi pa ni Mich,”Dati po, umiiwas ako na mag-post, kasi bawat post ko noon, nagiging isyu. Ngayon po, ilang taon na ang nakalipas, baka puwede ko nang i-express yung mga dapat kong i-express.”

Paliwanag niya, “Kasi dati, sinasabi nila, ginagamit ko… ganyan. Siyempre, ilang taon kami nung tao. Parang mag-asawa na rin talaga kami. Seven years kaming magkarelasyon, ‘tapos ngayong May 10, ten years na dapat kami.”

Matatandaang napabalita si Mich na may bagong nobyo nang nagpost siya sa Instagram ng mga photos nila ni “Boss.” Ito pala ay para sa short film na “A Best Friend Thing” kasama ang modelong si Arran Phil Sese.

I miss you everyday…

A post shared by Paolinne Michelle Liggayu (@michliggayuofficial) on

Ang short film nila ni “Boss.”

Loading…