‘Mid-year bonus ng mga empleyado ng Manila City hall, ipamimigay na!’ – Erap

Imahe mula sa Facebook group ng Manila Sun

Manila Forward Ever, Backward Never!

Ipamimigay na ang mid-year bonus ng mga empleyado ng Manila City hall; ito ay ayon mismo kay Manila Mayor ‘Erap’ Estrada.

Sa Facebook account ni Erap, sinabi nitong inatasan na niya ang budget department na i-release ang mid-year bonus ng mga city hall employees ngayong linggo.

Para kay Erap, karapat-dapat makatanggap ng  bonus ang mga empleyado bilang pagkilala sa tulong at sakripisyo nila upang mapabuti ang Maynila.

Dagdag pa nito, debt-free na umano ang Maynila dahil sa mabusising pagtatrabaho at dumarami pa ang benepisyong natatanggap ng mga mamamayan.

Tiniyak din ng Alkalde na dadaan sa tamang proseso ang mga bonus at papasa sa Commission on Audit (COA).

Pangako ni Erap sa mga Manileño na patuloy niyang paiigtingin ang mga programa tulad ng libreng edukasyon, medical, trabaho, pabahay upang maabot lahat ng mga nangangailangan.

Kamakailan lamang ay pinagkalooban ng Alkalde ng Erap All Star Shoes ang  1,500 honor students kalakip ang cash reward noong Abril 25 sa Maynila.

Pebrero naman nang maiulat na nais muling tumakbo ni Erap bilang Mayor ng Maynila para sa kanyang ikatlo at huling termino sa darating na 2019 elections.

Loading...