‘Momshie’ Jolina Magdangal, nag-post ng throwback photos kasama si John Lloyd Cruz at iba pang Kapamilya stars

Mga larawan mula sa Instagram account ni Jolina Magdangal

Habang pansamantalang namamahinga sa hosting ang isa sa mga ‘momshie’ host ng Magandang Buhay na si Momshie Jolina Magdangal para sa nalalapit niyang pagsilang sa ikalawang anak, nag-post siya ng isang throwback photo sa kanyang Instagram account kasama ang kontrobersyal na aktor na si John Lloyd Cruz at iba pang Star Magic at Kapamilya stars.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Jolina Magdangal
Mga larawan mula sa Instagram account ni Jolina Magdangal

Bukod kay John Lloyd Cruz, makikita rin sa larawan sina Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Bea Alonzo, Enchong Dee, at Piolo Pascual.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Jolina Magdangal
Mga larawan mula sa Instagram account ni Jolina Magdangal

Marami sa mga netizen ang nagbigay ng kanilang komento na nami-miss na nila sa limelight ang aktor na si John Lloyd Cruz na kamakailan lamang ay naispatan sa Amanpulo kasama ang kanyang girlfriend na si Ellen Adarna. Sa kabila ng indefinite leave ni Lloydie sa showbiz, umeere pa rin ang Saturday sitcom nitong Home Sweetie Home kasama si Toni Gonzaga, Piolo Pascual, Rufa Mae Quinto, at Ogie Alcasid.

Samantala, halos lahat ng mga Kapamilya stars na kasama sa naturang larawan ay regular na napapanood sa kani-kanilang mga proyekto.

Si Angelica ay napapanood sa Sunday gag show na Banana Sundae habang si Enchong Dee naman ay bahagi ng The Blood Sisters na pinagbibidahan ni Erich Gonzales.

Si Jodi Sta. Maria ay bumibida sa Sana Dalawa Ang Puso Ko bilang ‘Mona’ at ‘Lisa’ sa tanghali katambal sina Robin Padilla at Richard Yap.

Si Piolo Pascual naman ay katambal ni Arci Munoz sa teleseryeng Since I Found You na napapanood weeknights sa Primetime Bida, Home Sweetie Home kapag Sabado, at ASAP tuwing Linggo.

Wala mang teleserye, naipalabas na rin ang pelikula ni Bea Alonzo na Kasal kasama sina Derek Ramsay at Paulo Avelino, at abala siya ngayon sa isa pang pelikulang horror kasama si Charo Santos-Concio na may working title na Eerie.

 

Source :

Instagram, Instagram, Instagram, Instagram

Loading...