Musician o referee? Guard kinaaliwan ng mga netizen sa kanyang estilo sa pag-aayos ng parking

Image capture from James Harry Ybanez video via Facebook

Lakas maka-good vibes ni manong guard!

Wala talagang maliit na sahod para sa isang taong mahal ang kanyang trabaho. Kung ang lahat ba naman ng naghahanap-buhay ay mahal ang kanilang ginagawa, tiyak na magkakaroon sila ng satisfaction sa kanilang trabaho.

Tulad na lamang nitong isang security guard na nag-viral dahil kanyang pagiging ganado sa  trabaho.

guard

Sa Facebook post ni James Harry Ybanez, ibinahagi nito ang video ng isang guwardya na may nakaaaliw na estilo ng pagsasaayos ng parking.

Sa video, mapanonood si manong guard na tila isang musikero na kumukumpas habang binibigyan ng direksyon ang sasakyang tila may dashcam o kaya’y may nagbi-video sa kanya.

Tila hindi rin alam ng guard na siya’y na-videohan na. Heto na nga! Nag-viral pa!

Ito ay may caption na: “Hahahaha nice ka papi!!”

Hinangaan naman ang guard na ito ng mga netizens:

“He is very passionate with his job lmao.”

“We need him in our lives.”

Isang netizen naman ang nagbiro  na itong si manong guard ay “former referee.”

As of this posting, ang video ay may 9.5K reactions at 17,300 shares na.

Isa kang inspirasyon manong guard! Ikaw ay nagpapaalala na dapat mahalin ang ating mga hanapbuhay.

 

Source :

Facebook

Loading...