Nakaaantig na usapan ng mag-asawa sa cellphone, ibinahagi ng pasaherong netizen

Mga larawan mula sa Facebook account ni Ron Navarro at Google Image Public Domain

Life bus lessons?

Minsan, dumarating sa punto ng isang tao na hindi niya napahahalagahan ang mga maliliit na bagay o biyaya sa kanyang buhay, dahil mas nakatuon ang kanyang pansin sa mga bagay na wala sa kanya.

Gaya na lang ng isang netizen na nagngangalang Ron Navarro na nagbahagi sa kanyang Facebook account ng isang kaswal, simple, subalit makabagbag-damdaming pakikipag-usap ng isang padre de pamilya sa kanyang asawa sa pamamagitan ng cellphone habang ito ay nakasakay sa bus at papauwi na sa kanilang tahanan.

Kuwento ng netizen, tila siya lumubog sa kanyang kinauupuan at sinampal ng katotohanan sa narinig niyang pag-uusap ng katabi niyang lalaki at tila asawa nito sa pamamagitan ng tawag sa cellphone.

For illustrative purposes only
For illustrative purposes only

Batay sa usapan, mukhang galing ang lalaki sa trabaho na noon ay papauwi na. Kumita lamang siya ng tatlong daang piso sa maghapong pagtatrabaho (o maaari ding suweldo sa isang buong linggo), at upang mapasaya ang kanyang mag-ina, binilhan niya ang mga ito ng tig-isang jogging pants.

Aniya: Halos lumubog ako sa kinakaupuan ko dito sa bus. Bigla akong sinampal ng katotohanan.

Bigla kong naappreciate lahat ng meron ako. Hindi ko intensyon pakinggan yung sinasabi ng katabi ko sa asawa niya. Pero dahil narin sa di pa ako nakikinig ng music eh hindi ko sinasadya marinig.

Sumakay siya from Baclaran. Kausap niya sa phone wife niya (Non verbatim)

“Ma, gising pa si (name ng anak)?
Sabihin mo wag muna matulog. Hintayin ako.
May dala ako, siguradong magugustuhan niyo
Di ba kumita ako ngayon ng 300? May binili ako.”
Binili ko kayong dalawa ng jogging pants. Mas mahal pa nga yung sa anak mo Batman na damit eh. Hehe.”

Bakas umano ang kasiyahan sa pakikipag-usap ng lalaki sa kanyang asawa.

“Yung kinita ko para hindi mawala, ibibili ko para sa gamit niyong mag-ina.
Dapat P200 pero sinubukan kong tawaran ng P160. Para naman matuwa yung anak natin.
Sabay na tayo kumain ha. Bili ka ng yelo.
Iloveyou Ma.”

Pagkatapos noon ay nakinig na sa radyo sa phone niya na de keypad ang lalaki.

Napakasimple. Pero ramdam ko ‘yung excitement niya magkwento sa asawa niya. Yung excitement makauwi sa pamilya para maguwi ng simpleng pasalubong.

Habang ako hindi ko mabudget sa hanggang 500 na expense sa isang araw pang pamasahe at food. Panay reklamo pa.

Sa narinig na simple subalit nakaaantig na usapang ito, napagtanto ng netizen na marami siyang dapat ipagpasalamat na biyaya sa kanyang buhay, na minsan ay hindi na niya nabibigyang-halaga. Bumati rin siya ng “advance happy fathers’ day” sa lahat ng mga ama na maaaring makabasa ng kanyang post.

Maraming netizen ang naantig sa pagbabahaging ito ni Ron Navarro.

Source :

Facebook, Facebook, Pinoy Chika

Loading...