Neri: Ang perfect revenge ay mahalin ang sarili at ipakita mo ang value mo bilang babae

Imahe mula sa Instagram account ni @mrsnerimiranda

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na may pagkababaero noong binata pa ang Parokya Ni Edgar frontman na si Chito Miranda. Paano kaya ito dinala ng kanyang kabiyak na si Neri Naig noong  magkasintahan pa lamang sila?

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang screenshot ng usapan nila ng isang follower na nagtanong kung hindi ba niya naisip na gantihan noon si Chito.

“Hello po, Ms. Neri, never mo po bang ginantihan si Sir Chito no’ng mag-BF/GF pa lang po kayo sa mga ginagawa niya sa ‘yo? For example, ‘pag pinapatulan niya ‘yong mga attention ng ibang girls habang nandiyan ka. Never mo po ba pinakita sa kanya na you could do the same pero in a harmless way para lang to give him a taste of his own medicine?” tanong nito.

Tugon ni Naig, kailanman ay hindi niya naisipang gumanti kay Miranda.

“Nope. Naniniwala ako na ang perfect revenge ay mahalin ang sarili at ipakita mo sa kanya ang value mo bilang isang babae at bilang isang tao,” aniya.

Pinost ko ‘to sa Instagram Stories ko, at ang daming nagmessage sa akin kase nakaka relate sila at napakarami na nilang katanungan. Kaya naisipan kong sumulat sa aking blog. At i-share ko ang mga pinagdaanan ko sa kalandian noon ni Chito at kung paano ko na-handle lahat yun, hehe! Ilang years din akong nagpakamartyr pero dumating din yung tamang panahon na naglakas loob akong sabihin sa kanya na hindi ko na kaya, na mukhang di talaga magwowork yung relationship namin, na talagang hindi kami para sa isa’t isa. Never ko pa ring in-ask sa kanya na magbago siya para sa relationship namin, para sa amin, para sa akin. Hindi talaga. Kase gusto ko na gawin niya yun para sa kanya at gawin niya yun ng kusa kase gusto niya, kase hindi niya akong kayang pakawalan, kase nga mahal na mahal niya ako. Please visit my blog, nerimiranda.wordpress.com or click the link sa aking bio para sa buong kwento. #StatioNeri

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Maraming sumang-ayon sa tugon na ito ni Neri! Tama nga naman.

Source :

Instagram

Loading...