Neri, ibinahagi ang larawan ng anak na si Miggy habang seryosong nagpipinta

Imahe mula sa Instagram account ni @mrsnerimiranda

Ilang beses nang kinagiliwan ng social media users ang mga painting na likha ng isang taong gulang na si Miggy Miranda; anak ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda at ng aktres na si Neri Naig.

Ngayon, isang litrato naman ni Miggy habang nagpipinta ang nagdala ng tuwa sa marami.

Sa Instagram, ibinahagi ni Neri ang larawan ng anak, na talaga namang seryoso sa paggawa ng kanyang obra.

“Seryosong seryo ang Miggy ko sa pagpinta,” saad niya sa caption.

migz2

Marami ang natuwa sa post ng aktres.

“Hahahaha serious sa paggawa ng obra, ah! Ang cute!” ani @tins_d.

“Nakakatuwa siya, para na siyang pro (professional) sa painting,” wika ni @nalieaporto.

“Nakakatuwa e feel na feel n’ya ang mag-paint. Very good!” kumento ni @lalableyesa.

Kamakailan ay ibinahagi ni Neri ang ilan sa mga paintings ni Miggy.

“Miggy and his paintings! Excited na akong i-display ang paintings mo, mahal ko! Nakaka-proud ka! Iba pala talaga kapag magulang ka na, lahat ng ginagawa ng anak mo, tuwang tuwa ka, lahat ay napakaganda!” saad ng aktres sa caption.

“Isang taon ka pa lang pero pinapakitaan mo na kami ng talento mo. Kahit puro abstract lahat ‘yan, sa paningin ni Mommy, parang professional painter ang gumawa! Proud si Mommy Neri sa’yo! Teka, magpupunas muna ako ng luha. Haaay,” dagdag pa niya.

Untitled

Loading...