Netizen, hinikayat ang mga turista na dayuhin ang Masbate bilang tourist spot

Kamakailan lamang ay maraming mga turista ang nadismaya sa desisyon ng gobyerno na ipasara ang isa sa mga sikat na tourist destination sa Pilipinas, ang Boracay, para sa rehabilitasyon nito. At dahil summer vacation, hindi nagpatinag ang mga turista sa paghahanap ng mga alternatibong pasyalan, beaches, at tourist spots.

Isa sa mga maaaring dayuhin ng mga turista ang makapigil-hiningang kagandahang taglay ng mga beach sa Masbate na ibinahagi ng isang netizen sa kanyang Facebook account na si Bhing Avelino Bulala Azares. Ito ay ang “Ticlao Island” na itinuturing na isang paraiso. Hinikayat ni Bhing ang mga netizenS na dayuhin ang Masbate.

Ating silipin ang lugar na ito!

 

 

 

Nakaiinganyong dayuhin ang lugar ano? Ano pa ang hinihintay mo? Magpaka-happy sa Masbate!

Loading…