‘No to sunflowers’: 3 pasaherong nagkataong pare-pareho ang suot, kinaaliwan ng netizens

Imahe mula sa Facebook account ni Rose Ann Pasquin Cabalum

That shocking moment!

Kinaaaliwan ngayon sa Facebook ang larawan ng tatlong pasahero na nagkataong pare-pareho ang suot na sunflower blouse.

Ang nasabing eksena ay napuna at nakuhanan ng larawan ni Rose Ann Pasquin Cabalum.

Untitledaa

“LESSON: Huwag bumili ng ganitong damit. No to sunflowers,” pabirong saad niya sa larawan.

Nagkataong nagkatagpo ba?

Marami ang nag-iwan ng komento sa nasabing post.

“May reunion,” pabirong kumento ni LY.

“Jeep pala ‘to? ‘Kala ko flower farm,” komento ni RF.

“Thats why I don’t buy trendy clothes hahaha awkward,” ani MS.

“Hahahaha iisang tela pinagtabasan n’yan,” wika ni AM.

“Awkward n’yan. Na experience ko rin na may kaparehas ng damit sa jeep. Pumara talaga ako at bumaba. Walang tinginan, e!” pagbabahagi ni JF.

“Itapon ko na ba gan’to ko?’ tanong ni A.

“Sunflower uniform,” sabi ni RR.

Maganda naman talaga ang disenyo ng sunflower; ‘yun nga lang, huwag sanang makasabay ang may eksaktong kapareho ng suot mo.

As of posting, nakakuha na ang larawan ng mahigit 67,000 na shares at lampas 69,000 na reactions.

Imahe mula sa Facebook account ni Rose Ann Pasquin Cabalum
Imahe mula sa Facebook account ni Rose Ann Pasquin Cabalum
Source :

Facebook

Loading...