Ogie Diaz may tugon kay Suzette Doctolero sa pagpuna nito sa ‘Bagani’

May buwelta ang comedian, actor at talent manager na si Ogie Diaz ng ABS-CBN laban kay GMA headwriter Suzette Doctolero na kamakailan lang ay pumuna sa ilang karakter ng ‘Bagani.’

Matatandaang binatikos ni Doctolero ang pagkakalarawan ng babaylan sa Bagani.

Kamakailan lamang ay nag-viral naman ang senaryo sa ‘Kambal Karibal’ kung saan si Doctolero ang creative consultant, ayon sa ulat ng Inquirer.

Dito na tumugon si Diaz kay Doctolero. Ayon sa Facebook post ni Diaz:

“‘Ang taba mo, Ogs. Ba’t di ka magpapayat?’ ‘Sige, simulan mo, susunod ako,’” wrote Diaz. “Walang ipinagkaiba yan sa ‘bago pumuna sa uling ng iba, humarap muna sa salamin, baka meron ka ding uling sa mukha.’”

Kaya gusto kong sabihin dito kay Suzette Doctolero na madalas pumuna sa show ng abs-cbn habang siya’y writer ng gma-7, nobody’s perfect, atih. Kung busy ka sa pagpuna sa bakuran ng kapitbahay, hindi mo talaga makikita ang mali sa sarili mong bahay. So ang labanan na lang talaga ngayon sa mga teleserye, pagandahan.”

After all, kaya naman tayo nandito sa trabahong ito ay dahil gusto nating bigyan ng magandang show ang audience kahit hindi naman perfect 100% ang lahat ng shows.”

Dagdag pa ni Diaz: “At sa pagkakataong ito, hindi para magsabi akong mali ang ginawa ng talent na nurse sa pasyente. Gusto ko pa ring isiping mahusay din yung nurse sa pag-pray over.”

Samantala, may tugon naman si Doctolero sa kanyang Facebook post na hindi naman binanggit ang pangalan ngunit pinaniniwalaang ito’y para kay Diaz:

Loading…