Open Letter: Netizen sinisi ang mga natutulog na hospital staff sa pagpanaw ng kanyang lola

Image capture of video via Matalinong Matsing Facebook page

May kapabayaan nga ba?

Sinisisi ngayon ng isang netizen ang isang pampublikong ospital sa pagpanaw ng kanyang lola at idinaan ito sa isang open letter na ibinahagi ni LF D. Tanjoco na may kalakip na video.

Sa Facebook post ay nanawagan ito sa pamahalaan dahil sa diumano’y kapabayaan ng mga doktor at ibang staff sa emergency room dahil tulog ang mga ito.

Ang ospital umano ay Rizal Medical Center kung saan nakuhanan niya ng video ang mga staff sa ER na natutulog umano.

Salaysay ng netizen, isinugod sa ospital ang kanyang lola noong Mayo 21 sa ER. Dalawang araw ang itinagal sa ER ng kanyang lola pagkat wala pa umanong bakanteng silid.

Maayos umano ang routine ng mga staff ngunit pagsapit ng 2:30 hanggang 4:30am ay mahimbing na ang tulog ng mga ito.

Image capture from Matalinong Matsing Facebook account
Image capture from Matalinong Matsing Facebook account

Hiniling ng netizen sa doktor na ipa-suction ang kanyang lola ngunit nagbalik ito pagkatapos pang matulog. Kaya naman dito na nagsimulang kumuha ng video at larawan ng mga sabay-sabay na natutulog na staff ng ospital.

“Okay lang naman magpahinga kasi alam kong nakakapagod trabaho nila pero bakit sabay sabay?” tanong ng netizen sa kanyang post.

Saad pa ng netizen, tila pinagpraktisan ang kanyang lola sa paglalagay ng NGT.

Nang mailipat ang matanda sa ward ay napansin ng netizen na namamaga ang kamay ng kanyang lola ngunit ito’y manas daw.

lola

Napansin na rin nitong tila comatose na ang kondisyon ng kanyang lola.

Inamin na rin umano ng doktor na comatose na ang matanda, ngunit hindi  naipaliwanag kung bakit naging malala ang kondisyon nito.

Panay umano ang kuha ng blood pressure sa matanda at CPR ngunit wala na pala umano itong buhay.

Bumuhos ang komento sa insidenteng ito na ibinahagi rin ng ibang Facebook pages.

Wala pang pahayag ang ospital kaugnay sa pangyayaring ito.

Samantala, mababasa ang kabuuan ng open letter dito. I-click ang imahe upang mabasa ang buong post.

I-click ang imahe upang mabasa ang buong post
I-click ang imahe upang mabasa ang buong post

Saad ni Tanjoco sa kanyang post: “This video was sent/tag to us by someone who doesn’t want to be identified”

Samantala, nakasaad rin sa naturang post na ang Radyo Pilipinas ay bukas para sa panig ng mga sangkot sa inirereklamong pangyayari.

 

Loading...