P37M ‘missing allowance’ ng SAF matatanggap na

Matatanggap na ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) personnel  ang bahagi ng P37 million allowance na hindi naibigay sa nasa 4,000 SAF noong 2016-2017; ito ay ayon kay SAF Director Noel Taliño.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, ang pera ay tinanggap na ni incumbent budget officer Supt. Aladdin Collado mula kay dating budget officer Supt. Andre Dizon sa pamamagitan ng dalawang tranches — P10 million at P27 million.

Bago nito, 12 police officers, kabilang si retired Police Director Moro Virgil Lazo, ay naghain ng plunder at malversation ng public funds laban kay dating SAF Police Director Benjamin Lusad at tatlo pang dating SAF personnel kaugnay sa allowance.

Nakasaad sa reklamo na ang mga uniformed personnel ng  SAF ay entitled sa karagdagang daily subsistence allowance na P30 o katumbas ng P900 kada buwan.

Ang karagdagang allowance ay para sa 4,000 uniformed SAF personnel.

Ayon pa sa reklamo, tanging Enero 2016 at Enero 2017 lamang ang natanggap na karagdagang allowance ngunit hindi sa buong taon.

Intasan naman ni Taliño na i-review kung sino ang hindi nakatanggap ng naturang allowance mula 2016-2017.

Noong nalaman natin iyon, we have started distributing already itong pera na ito para maibigay na sa mga tropang umaasa dito,” ani Taliño.

Masaya ‘yung mga tropa natin kasi itong ASA na ito ay inaasahan nila,” dagdag pa nito.

Loading…