Pangalan ng siomai food cart business kinaaliwan ng mga netizens

Image capture from Pinoy Videos Facebook account

Sa hirap ng  buhay ngayon ay talagang hahanap ka ng  paraan upang kumita ng extra. Kahit nga may trabaho ka na minsan ay kulang pa rin sa mga gastusin sa araw-araw kaya naman naiisipan ng iba na pasukin ang pagnenegosyo.

Upang makatawag pansin ay dapat kakaiba ang pangalan ng iyong negosyo, tulad na lamang ng isang ito.

SIOGO (Siomai on the go) Sio Clean, Sio Good!

Nag-viral ang pangalan ng isang siomai food cart na tila isinunod sa pangalan ng isang sikat na hotel.

Sa Facebook post ni Apollo Marcelo Calimbo sa pamamagitan ng Pinoy Videos, ibinahagi nito ang larawan ng  siomai foodcart.

Tulad din ng ibang siomai business ay may ka-partner itong sago.

Ang husay ng nakaisip nito!  Sa dami ng siomai business ay magkakatalo na lang talaga sa lasa at sa pangalan ng iyong tindahan.

Naging katatawanan naman ito sa maraming netizens at ibinahagi pa sa iba.

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook

Loading...