Pangulong Duterte, pinagkaguluhan ng mga mall goers sa Greenbelt 5 sa Makati

Dinumog ng mga mall goers si Pangulong Rodrigo Duterte nang magtungo siya sa Greenbelt 5 sa Makati City noong Sabado, ika-5  ng Mayo.

Ayon sa ulat ng Politiko, galing ang Pangulo sa 51st Asian Development Bank Annual Meeting na ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel sa Ortigas Center sa Mandaluyong City kung saan siya nagbigay ng talumpati sa closing ceremony ng nasabing kaganapan nang magpasya itong sumaglit sa Greenbelt Mall.

Namataan sa loob ng isang luxury watch shop sa Greenbelt 5 ang Pangulo kung saan sinasabing nagpa-repair siya ng isang relo.

Sa video na kuha at ibinahagi sa Twitter ng TV host na si Daphne Oseña Paez, makikita ang napakaraming tao na nasa labas ng tindahan ng relo at tila inaabangan ang paglabas ng Pangulo.

Tweet ni Daphne, tinanong pa raw siya ng ilang mga babaeng kasabay niya sa escalator kung mayroon bang celebrity kaya maraming tao.

Sa isa pang video na kuha naman ng The Young Observer TV Channel, makikitang pinagkaguluhan ng mga mall goers ang naglalakad na Pangulo habang nakapalibot sa kanya ang mga security personnel ng mall at ang Presidential Security Group.

Isang mall goer ang masuwerteng nakapag-selfie kasama ang Pangulo.

“DUDE WE JUST SAW DUTERTE STROLLING IN GREENBELT LOOOL HELLO SIR PRESIDENT,” tweet ni Caila Venice.

Loading…