PGT finalist Joven Olvido isasama ni Vice Ganda sa pelikula

Hindi man pinalad na makamit ang pagiging grand winner sa Pilipinas Got Talent (PGT) upang maiuwi ang tropeo at dalawang milyong pisong cash prize, isang magandang sorpresa naman ang nakamit ni Joven Olvido mula kay Vice Ganda.

Ayon sa LionhearTV, matapos ang grand finals night performance ni Joven sinabi ni Vice Ganda na hindi gaanong nakakatawa ang ipinakita ng aspiring comedian kumpara sa mga naunang perfrormances niya.

“I have to be honest. This is not your funniest performance. For me, mas nakakatawa ‘yung mga mas nauna kaysa ‘yung ngayong gabi,” sabi ni Vice Ganda.

Subalit, matapos niyon ay isang magandang balita para kay Joven ang inanunsiyo ni Vice.

“Pero I have a good news for you, nag-meeting ako sa Star Cinema kahapon at isa ka sa mga kasama ko sa pelikula. Kasama ka sa pelikula ko ngayong December. Isa ka nang artista. Congratulations,” ani Vice Ganda.

Pinangakuan pa ni Vice Ganda ng isang brand new tricycle si Joven upang magamit nito sa paghahanapbuhay.

Ang spiral pole dancer na si Kristel de Catalina ang itinanghal na grand winner at pumangalawa naman ang ballroom dancers na sina Julius at Rhea, samantalng pumangatlo naman si Joven.

Loading…