Regalong aabot sa halos P3M, birthday gift ni Yassi sa kanyang sarili

Image capture from Yassi Pressman Instagram account

Niregaluhan ni Yassi Pressman ang kanyang sarili ng isang brand new van sa kanyang 23rd birthday nitong Mayo 11.

Ayon sa ulat ng PEP, bumili si Yassi ng Hyundai H350 na magsisilbing kanyang ‘mobile van’ kapag siya’y may taping.

Ani Yassi, “Kasi hindi ako masyado natutulog so maglalagay ako ng bed dun.”

Ayon sa  Top Gear Philippines,  ang sasakyan ay nagkakahalaga ng  P2.68 million hanggang P2.73 million. Ngunit nakuha lamang ito ni Yassi ng half price.

Well, share kami [Hyundai] so that’s another gift for myself,” ani Yassi kung saan kasama nito ang may birthday din na si Bela Padilla

Maliban sa van na ito nakabili rin si Yassi ng Ford Mustang ngayong taon.

Ayon sa Top Gear Philippines  ang Ford Mustang  ay nagkakahalaga ng PHP2.8 million hanggang PHP3.68 million.

Partner in the storm! Miiii #stormtrooper 🐼

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on

Mahilig si Yassi sa mga sasakyan at mga bike. Sa kanyang Instagram, mayroon itong Maserati Vespa Scooters.

Anang aktres, “I think I’m always into more sporty things like cars or sports or activities. Instead of me doing yoga, mas Muay Thai.

“Instead of me swimming, mas boxing. I like active things e yung medyo adventurous.”

Nakatakda namang magtungo si Yassi sa Camarines Sur upang mag-outreach bilang bahagi ng kanyang birthday celebration taon-taon.

 

Loading...