Rider nagpasalamat sa babaeng tumulong sa kanya makaraang mahiga sa bangketa dahil sa hilo sa init ng panahon

Okey na si kuyang raider!

Personal na nagpasalamat ang Jollibee rider sa babaeng tumulong sa kanya at inabutan ito ng tubig makaraang humiga sa bangketa dahil nahilo umano ito sa tindi ng init ng panahon.

Sa Facebook post ni Princess Almazan, ibinahagi nito ang larawan nila ng Jollibee rider na kinilalang si Beejohn Espejo na nagbigay ng burger at spaghetti sa kanya.

Bumalik po si kuyang nagdedeliver si kuya Beejohn Espejo nagulat ako tas may inabot siyang spaghetti saka Burger hue tas nakausap niya po papa ko and papa ko po nag picture kaya malabo hahaha pero siya po si kuyang nagdedeliver and okay na po siya wow to God be the Gloryyyyyy. Hi kuya Bj,” ayon sa caption nito.

Noong Mayo 3, nag-viral ang post ni Almazan sa pagtulong nito sa Jollibee rider na nahiga na lamang sa bangketa dahil nahilo umano sa tindi ng init ng panahon.

Posted by Princess Almazan on Wednesday, May 2, 2018

God bless you, Princess Almazan!

Loading…