Ronnie Alonte, nahuling umiiyak ni Vice Ganda habang nasa Amerika

Image capture mula sa video sa Twitter

Sa muling pagbabalik ng napakasiglang si Vice Ganda sa noontime show na It’s Showtime noong Lunes, Mayo 21, 2018 mula sa kanyang concert abroad, ibinuko niya ang co-star na si Ronnie Alonte na nahuli niya itong umiiyak sa comfort room noong sila ay nasa hotel abroad sa pagtatapos ng kanilang concert sa Canada.

Nabigla si Vice Ganda sa paghagulgol ni Ronnie dahil excited daw itong magtungo sa abroad upang mag-shopping. Unang pagkakataon ito ni Ronnie na malayo nang matagal sa kanyang pamilya.

Salaysay ni Ronnie, saludo raw siya sa mga OFW na natitiis na mapalayo sa kani-kanilang pamilya upang makapagtrabaho at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. Mahirap daw ang pakiramdam na malayo sa pamilya lalo na sa napakalayong lugar abroad sa loob ng napakahabang panahon. OFW ang nanay ni Ronnie, at akala raw niya, kapag nasa abroad ay maraming pera at masaya ang buhay, subalit ito ay kanyang pinabulaanan.

Ilan naman sa mga madlang pipol, gayundin ang kanyang mga co-host, ang napaluha rin sa salaysay ni Ronnie.

Image capture mula sa Twitter
Image capture mula sa Twitter

Narito ang video ng naturang pag-amin ni Ronnie via Twitter:

Loading...