Sahod ng mga public school teachers susunod na itataas ni Pangulong Duterte

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na isusunod niyang itataas ang sahod ng mga guro sa public schools matapos ang ginawa niyang pag-doble sa suweldo ng militar at kapulisan.

Ayon sa Radyo Inquirer, ang pangako ay inihayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng mga public school teachers at principals sa 37th Principals Training and Development Program and National Board Conference na ginanap sa Davao City.

Aniya, hindi naman agaran ang gagawing pagtaas ng sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan kundi unti-unti lamang.

“Ang inyo, kayo ang isunod ko. Pero hindi naman masyadong doblado, hindi talaga kaya. We’ve been trying to come up with a progressive — I’m not blaming anybody but simply there are too many Filipinos. Ang resources natin wala,” wika ng Pangulo.

Dagdag pa ng Pangulo, alam niya ang paghihirap ng mga guro na matugunan ang kanilang mga pangangailangan dahil siya ay anak din ng isang public school teacher.

Loading…