‘Show-stopper’ Pia Wurtzbach, tampok sa anniversary issue ng Metro Magazine

Agaw-pansin ang bagong cover ng Metro Magazine sa pagdiriwang nila ng kanilang 29th anniversary dahil tampok sa kanilang cover si Miss Universe 2015, model, actress, at host na si Pia Wurtzbach.

‘Show-stopper’ si Pia dahil ipinamalas niya ang fierceness habang suot ang glamorosong white garb na binagayan ng diamond accessories. Sa kabila nito, ang nakapupukaw-pansin sa aktres ay ang signature nitong mga titig.

In celebration of Metro’s 29th anniversary, we bring you the emblem of our country’s pride, Miss Universe 2015, #PiaWurtzbach!

Narito pa ang iba pang pasilip na mga larawan ni Pia sa Metro Mag:

Mababasa sa magazine ang panayam kay Pia kung paano nabago ang kanyang buhay mula sa pagiging beauty queen patungo sa pagiging ganap na artista.

Loading…