Sketch ng isang aspiring architect naging inspirasyon sa mga kabataan

Anumang talentong ating angkin, huwag ipagdamot; ito’y ibahagi.

Naging makabuluhan ang bakasyon ng isang aspiring architect sa paggawa ng ilang sketch ng mga kilalang fastfood chain sa Pilipinas.

Sa Facebook post ni Chinverlyn Chiapoco sa Guhit Pinas, ibinahagi nito ang ilan SA kanyang mga obra dahil nais niyang patunayan na ang isang architect ay hindi panay pagguhit lamang.

 

Image capture from
Guhit-Pinas Facebook account
Image capture from
Guhit-Pinas Facebook account

Salaysay ni Chiapoco, dalawang beses siyang na-reject ng ibang unibersidad pagkat hindi STEM ang tinapos niya gayong pasok naman ang kanyang marka sa naturang track sa senior high school.

Ngunit hindi umano siya sumuko. Malaki ang pasasalamat ni  Chiapoco nang matanggap ito sa Lyceum of the Philippines (LPU). Sa naturang unibersidad, General Academic Strand (GAS) ang kanyang kinuhang  track dahil libre ang matrikula dati.

Aniya: “Sa mga Aspiring Architect jan ipakita natin sa kanila na hindi lang tayo puro drawing, dalawang beses ako nireject ng ibang universities kase hindi STEM tinapos ko Kahit pasok na pasok naman yung final grades ko hindi ako tinanggap pero hindi ako sumuko nagtry ako sa ibang school, Sa LPU tinanggap ako kaso pahirapan nag dadalawang isip pa sila, thank God nakapasok ako.

PS. nagGAS ako kase sabi sa school namin libre na lang tuition at GAS lang ang inooffer dati”

Na-inspire naman ang maraming kabataan sa sketch up ni Chiapoco?.

Image capture from
Guhit-Pinas Facebook account

 

Loading…