Stephen Curry, pinagalitan ng ina at sinabihang “sabunin” ang bunganga

Imahe kuha sa video ng ESPN

Isang pambihirang “sumpong” ang ipinakita ng NBA player na si Stephen Curry, na kilala sa pagiging kalmado, sa third quarter ng laro ng kanyang koponang Golden State Warriors kontra sa Houston Rockets noong ika-20  ng Mayo, kung saan tinambakan nila ang kalaban ng 41 puntos.

Sa third quarter ng Game 3 ng Western Conference Finals, kung saan naitala niya ang 18 points sa kanyang game-high 35 points, makikita si Curry na nakawala sa mahigpit na pagbabantay sa kanya ni Trevor Ariza para umiskor ng two points sa pamamagitan ng isang lay-up.

Matapos makaiskor ay humarap si Curry sa mga manonood na nagkakagulo na sa kasiyahan at sumigaw ng “This is my (expletive) house!”

Matapos ang laro, inamin ni Curry na nadala lang siya at nakalimot dahil sa excitement ng game.

“I blacked out,” aniya.

Sa panayam sa kanya ng ESPN, sinabi ni Curry na nagustahan ng kanyang ina ang performance niya sa nasabing laro, pero hindi ang kanyang bunganga.

Sinabihan daw siya ng ina na sabunin ang bunganga.

“She already sent me two home videos, showing me the clip and playing it back. She was telling me how I need to wash my mouth out, saying to wash it out with soap. It’s a message I’ve heard before,” kwento ni Curry.

Inamin naman niya na tama ang kanyang ina.

“She’s right. I gotta do better. I can’t talk like that.”

 

 

Loading...