Supply ng langis na natuklasan sa Cebu, tatagal ng 19 na taon

Image capture of video by GMA News via YouTube account

Tinatayang tatagal ng 19 na taon ang natuklasang supply ng langis sa Alegria, Cebu.

Kaugnay nito, dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng oil at gas field sa naturang probinsya.

Ayon sa pahayag ni Duterte, mas malaking biyaya pa sana kung mas marami pang oil at gas field na madidiskubre sa Pilipinas tulad ng nasa Alegria sa Cebu at Malampaya sa Palawan.

Kasamang binanggit ng Punong Ehekutibo ang agawan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea na pinaniniwalaang mayaman sa natural gas.

Imbis na makipaggirian mas pinili ng Duterte administration na makipagtulungan sa China upang kapwa makinabang [ang Pilipinas at China] sa likas na yaman sa West Philipine Sea, ayon sa ulat ng Balitanghali.

Para naman sa mga kritiko ng Pangulo, tila ipinamigay na ng administrasyong Duterte ang Pilipinas sa China.

Nagpaliwanag naman si Duterte tungkol dito.

Katwiran niya: “Bakit ko ipasubo ang buhay ng mga sundalo ko pati pulis ko in a battle which I cannot win, and besides China has always been conciliatory.”

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa GMA News:

Loading...