Taiwanese company mangangailangan ng karagdagang 16,000 Pinoy workers

Imahe mula sa New Kinpo Group

Palalawakin ng New Kinpo Group, isang Taiwanese company na nangunguna sa global electronic manufacturing services at original design manufacturing, ang kanilang operasyon sa bansa na mangangahulugan ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Ayon sa ulat ng MSN, sinabi umano ng New Kinpo Group na ang pagpapalawak ng kanilang operasyon sa bansa ay mangangahulugan ng karagdagang 16,000 na trabaho para sa mga Pilipinong manggagawa.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Simon Shen, chief executive officer ng New Kinpo Group, na mayroon silang 10,000 manggagawa sa apat nilang pabrika sa bansa.

Aniya, nakita niya ang potensiyal ng manufacturing sa Pilipinas dahil ang kondisyon dito ay angkop sa mga kumpanyang nasa larangan ng electronics manufacturing services.

Noong naghahanap pa lang ng pasilidad ang New Kinpo Group sa Asya ay naging kakumpetensiya ng Pilipinas ang Indonesia, Vietnam at India, subalit mas pinili ng Taiwanese company ang Pilipinas dahil makatwiran umano ang labor cost dito sa bansa kumpara sa iba.

 

Fact-checked against the following source(s) :

MSN, Good News pilipinas

Loading...