TNT Boys, nagpakita ng husay sa rap bilang “Salbakuta” sa YFSF Kids 2018

Imahe kuha sa video ng ABS-CBN

Pinatunayan ng TNT Boys na sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto, at Kiefer Sanchez na hindi lang sa “biritan” sila mahuhusay sa larangan ng pag-awit kundi maging sa rap.

Nitong Sabado, ika-19 ng Mayo, ipinamalas ng TNT Boys sa “Your Face Sounds Familiar Kids 2018” ng ABS-CBN ang husay nila sa pag-rap habang ginagaya nila ang grupong “Salbakuta.”  Kinanta ng tatlo ang “Stupid Love”; ang pinakasikat na kanta ng hip-hop group.

Tuwang-tuwa ang isa sa mga hurado na si Sharon Cuneta at sinabing napasaya siya ng TNT Boys. Sinabi pa niya na sana raw sa susunod na performance ng tatlo ay isang girl group naman ang gayahin nila.

“You make me so happy,” ani Sharon.

“To be honest, hindi ko nagustuhan. Kasi sobra kong nagustuhan. Sobra kayong entertaining — ang gagaling kumanta, ang galing mag-entertain, grabe ang charisma. Congratulations!” pakli naman ni Ogie Alcasid.

Narito ang performance ng TNT Boys bilang Salbakuta:

 

 

Source :

ABS-CBN, YouTube

Loading...