‘Trillanes walang karapatang manawagang patalsikin si Gordon bilang blue ribbon chair’ — Lacson

Hindi suportado ni Senador Panfilo Lacson ang panawagan ni Senator Antonio Trillanes IV na palitan si Senador Richard Gordon bilang chairman ng Senate blue ribbon committee.

Ayon sa ulat ng GMA, handa na umano si Lacson na lumahok sa public inquiries na pamumunuan ni Gordon — na binatikos na nagmo-monopolize ng mga pagdinig.

Di naman masisira ang friendship. Even during investigation ng BRC sa P6.4-B shabu nagkaroon kami ng maski paano confrontation sa lounge. I already confronted him for not allowing the other members to participate,” ani Lacson.

Nilinaw naman ni Lacson na tanging ang Senate majority ang may karapatang manawagan ng pagpapaalis tulad ng hiling ni Trillanes. Matatandaang tinawag ni Trillanes na ‘committee de abswelto’ ang komiteng hawak ni Gordon.

Unang una, walang karapatan si Senator Trillanes para humingi ng pagpalit ng Senate chairmanship kasi minority siya. Decision ng majority lagi ang pagpalit ng chairmanship ng committee. I will not call for his replacement. I will not,” giit ni Lacson.

Noong Setyembre 2017, sinabi ni Trillanes na kanyang tatrabahuhin ang pagpapatalsik kay Pimentel bilang Senate President kung mananatiling chairman si Gordon. Ani Trillanes, ito’y nakaaapekto sa independence ng Senado.

Nitong Abril lamang ay inihayag ni Pimentel na mananatiling  chairman ng blue ribbon committee Gordon sa kabila ng mga sentimiyento laban sa paraan ng paghawak niya sa mga pagdinig.

Loading…