Vice Ganda dumepensa sa kanyang  ‘Dolphy Comedy King Award’; FAMAS nagsalita na rin

Image capture from Vice Ganda Instagram account

Nagsalita na si ‘It’s Showtime’ host Vice Ganda laban sa mga kumukuwestiyon sa kanya bilang isa sa mga makatatanggap ng kauna-unahang Dolphy Comedy King Award sa nalalapit na 66th FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) award sa Hunyo 10.

Ayon sa ulat ng RMN, sinabi ng komedyante  na hindi siya galit sa mga pumupuna kung bakit nauna siyang gawaran ng pagkilala kaysa kay Vic Sotto dahil hindi umano siya ang namili nito.

Ani Vice, tila hindi daw masaya para sa kanya ang mga hindi pabor makaraan siyang mapili kung saan iginiit niya na kailangan lamang niyang tumugon upang depensahan ang kanyang sarili.

dolphy

FAMAS nagsalita na rin!

Samantala ipinagtanggol ng pamunuan ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) ang paggawad kay Vice Ganda ng naturang award sa harap ng pagkuwestiyon ng isang kolumnista sa naturang desisyon.

Si Vice Ganda mismo ang napili ng pamilya ng tinaguriang “hari ng komedya” na tumanggap ng award para sa taong 2018; ito ay ayon kay FAMAS president Francia Conrado.

vice

Siya po talaga ang unanimous choice. [We consulted] the family also, Eric Quizon and mga kapatid niya. Ang issue kasi nila, why not Vic Sotto. [Pero] Tito [Sotto], Vic, and Joey [De Leon] po ay lifetime achievement awardee na ng FAMAS three years ago. Sana naman irespeto na lang natin,” ani Conrado.

Loading...