Vice Ganda, pasimple nga bang ipinakilala ang kanyang bagong boyfriend sa GGV?

Mga larawan mula sa Instagram account ni James Carne

Pinakaaabangan ng napakaraming mga tagahanga at tagasubaybay ni Unkabogable Star Vice Ganda kung sino nga ba ang lalaking nagpapatibok sa kanyang puso sa kasalukuyan, lalo’t hindi matukoy ang pagkakakilanlan nito sa tuwing binubuyo o tinutukso ng mga co-host ng noontime show na It’s Showtime.

Sa episode ng Gandang Gabi Vice o GGV noong Linggo ng gabi, May 20, 2018, kinapanayam ng box-office star ang mga mentors ng “Your Face Sounds Familiar Kids Season 2” na sina Jed Madela at Nyoy Volante. Bigla niyang tinawag ang isang foreigner na nasa audience at tinawag niyang  “boyfriend,” at nag-request sa dalawang guests na kantahan silang dalawa na para bang sila ay nasa first date.

Kapansin-pansin na habang inaawit nina Madela at Volante ang sikat na awiting “Endless Love” ay magkahawak-kamay sina Vice Ganda at ang naturang lalaking tinawag niyang “boyfriend.”

Marami sa mga netizen ang nagtatanong kung ito ay biro lamang o pasimpleng pagpapakilala ni Vice Ganda sa kanyang bagong boyfriend. Marami rin ang nag-asam na sana’y totoo nga ito.

Sa pagsisiyasat ng mga tagahanga, ang “boyfriend” na ipinakilala ni Vice ay ang Australian pageant titlist na si James Carne, na lumahok sa  Mister International noong 2016 at Man of the World noong 2017.

Mga larawan mula sa Instagram account ni James Carne
Mga larawan mula sa Instagram account ni James Carne

Nasa Pilipinas siya ngayon bilang fashion model at aspiring actor. Itinampok siya sa local Cosmopolitan magazine na may pamagat na “Hunks.”

Panoorin ang naturang episode ng GGV via YouTube channel:

 

 

Loading...